Ph locator camarines sur caramoan
-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang menor de edad habang sugatan naman ang tatlong iba pa matapos magsalpukan ang isang motorsiklo at isang truck sa Tinambac, Camarines Sur.

Kinilala ang binawian ng buhay na isang 17-anyos habang ang mga sugatan na sina Francisco Rombano, Judy Ann Rombano, parehong residente ng Brgy. Maycatmon, Milaor sa nasabing lalawigan at isa pang menor de edad na residente rin ng Brgy. Salvacion. Tinambac, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng truck na minamaneho ni David Ipo Jr., 43-anyos, residente ng Brgy. Fabrica, sa bayan ng Calabanga ang kalsada mula sa bayan ng Siruma patungo sa Calabanga ng bigla na lamang umanong sumalpok dito ang motorsiklo na minamaneho ng isang menor de edad sakay sina Francisco, Judy Ann at isa pang 17-anyos na binatilyo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng menor de edad na backrider.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad si Ipo habang nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga ito hinggil sa nasabing insidente.

-- Advertisement --