-- Advertisements --

Nakatanggap umano ng $1.8 billion si Melinda Gates matapos ang paghain nila ng divorce sa asawang si Bill.

Ayon sa kampo ng dalawa, agad na naglipat ng milyong shares ang investment firm na kontrolado ni Bill sa dalawang kompaniya naman ni Melinda sa araw mismo ng ianunsiyo nila ang pagtatapos ng kanilang 27 taon na pagsasama.

Aabot sa 14 milyon shares ng Canadian National Railway Co. at mahigit 2.9 milyon shares ng AutoNation Inc.

Base sa stock price na ang nasabing mga shares ay nagkakahalaga ng $1.8 bilyon kabilang na ang $1.53 bilyon sa Canadian National Railway shares at $310 milyon sa AutoNation shares.