-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Namatay ang isang mekaniko matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa nakahilerang mini-concrete barrier daang Maharlika Purok 1 Divisoria.Santiago City

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Traffic Group ang biktima ay si Abner Pad-ay Jr. 30 anyos, binata, Auto Mechanic at residente ng Paddad, Alicia, Isabela na minamaneho ang isang itim na motorsiklo

Sa pagsisiyasat ng Traffic Group bago pa man mangyari ang aksidente ay binibagtas ni Pad-ay ang daan patungong Bayan ng San Isidro papauwi sa kanilang tahanan.

Dahil sa malakas na ulan at madilim ang lugar ay hindi umano napansin ni Pad-ay ang mga concrete post na nakalatag sa gilid ng ginagawang daan na aksidenteng nabunggo nito.

Dahil sa pangyayari nahulog sa konkretong daan ang biktima at nakaladkad ng halos labingsiyam na metro mula sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente.

-- Advertisement --

Tinatayang nasa humigit kumulang tatlumpo ang layo ng Motorsiklo sa kinabagsakan ng biktima na dumausdos pa makaraang mahulog sa kanyang sinakyan.

Nagawa pang maitakbo sa Southern Isabela Medical Center ang biktima ngunit idineklarang Dead on Arrival ng kanyang attending physician matapos magtamo ng matinding sugat sa ulo.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga otoridad na lango sa nakalalasing na inumin ang mekaniko nang mangyari ang aksidente .