meghan markle
Meghan and Prince Harry

Kinasuhan ni Meghan, Duchess of Sussex, ang isang tabloid sa United Kingdom dahil sa paglathala ng mga pribadong sulat.

Ayon rin kay Prince Harry na pinalitan ng nabanggit ng tabloid ang ilang laman ng sulat ni Meghan.

Tiniyak ni Prince Harry na hindi nila palalampasin ang nasabing ginawa ng tabloid.

Nanindigan naman ang UK tabloid na The Mail na katotohanan lamang ang kanilang inilathala sa kanilang diyaryo.