-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sinisikap ngayon ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na maibalik ang medical mission sa lalawigan ng Cotabato.

Ito ang kanyang inihayag sa isinagawang orientation at contract signing ng 255 Tulong Panghanapbuhay sa ating mga Displaced/Disadvantage Workers (TUPAD) beneficiaries ngayong araw, Hulyo 7, 2022 sa Provincial Capitol Gymnasium, Amas, Kidapawan City.

Ayon sa gobernadora prayoridad ng kanyang administrasyon ang tiyakin na ang bawat Cotabateño ay mayroong access sa dekalidad na serbisyong medikal.

“Isa sa prayoridad ng ating administrasyon ang matugunan ang pangangailangang medikal ng ating nasasakupan,” ayon kay Gov. Mendoza.

Ang isinagawang TUPAD orientation at contract signing ay pinangunahan ng Department of Labor and Employment sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Mr. Christopher Gamboa na siyang kinatawan ng DOLE Regional Office XII at TUPAD Provincial Coordinator Ms. Mayette Jhen Bumagat.