-- Advertisements --

Binabaan ng Land Transportation Office (LTO) sa P300 ang maximum fee para sa medical examination na isa sa requirements para kumuha ng student permit at driver’s license applicants.

Ayon sa LTO na ang nasabing desisyon ay base na rin sa rekomendasyon ng kanilang committee.

Nagsagawa ng pag-aaral at ilang serye ng konsultasyon sila para malaman ang resonableng presyo sa mga mga accredited health facilities.

Una ng inireklamo ng ilang driver’s license applicants ang mataas na medical fee na agad nilang tinugunan.