-- Advertisements --

DAVAO CITY – Ramdaman na ngayon ng mga meat vendors sa lalawigan ng Davao Occidental at sa lungsod sa Davao ang epekto ng African swine fever (ASF) outbreak matapos na libu-libong mga alagang baboy sa lalawigan ang pinatay dahil sa naturang disease.

Nabatid na karamihan sa mga palengke sa lungsod ng Davao ay kumukuha ng baboy sa lalawigan ng Davao Occidental at Davao del Sur dahil sa pinaiiral na temporaryong naka-lock down para maiwasan ang pagkalat ng ASF.

Bagaman walang ipinatupad na pagtaas sa presyo ng karneng baboy sa mga palengke sa lungsod ngunit apektado naman ang mga meat vendors dahil takot na ang mga tao na bumili ng karne matapos ang outbreak ng ASF sa Don Marcelino Davao Occidental.

Samantalang pinuri naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) regional director Alex Roldan ang mga ginagawang hakbang ngayon ng mga Local Government Units (LGUs) para lamang masiguro na mapipigilan ang pagkalat ng disease na unang nagsimula sa Luzon.