-- Advertisements --

Nasa bansa ngayon si retired US boxhing champion Floyd Mayweather Jr.

Inimbitahan ito ng isang heatlh and beauty products na kaniyang iniindorso.

Lulan ng kaniyang Gulfstream jet at lumapag ito sa private hangar ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson.

Nakatakda itong bumisita sa ilang private resort sa bansa para sa ibang mga events ng kumpanya.

Magugunitang nitong Linggo ay pinatumba niya si MMA fighter Mikuru Asakura sa Saitama Super Arena sa Japan.