Floyd Mayweather
Mayweather / ig post

Napili ng Forbes bilang Highest Paid Athletes of the Decade si dating five division world champion Floyd Mayweather Jr.

Umaabot kasi sa kabuuang $915 million ang kita nito sa nakalipas ng 10 taon.

Mas mataas ito ng $115 million sa alinmang atleta.

Naging malaking tulong dito ang laban niya kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao noong 2015 at Conor McGregor noong 2017.

Sumunod sa kaniya si Cristiano Ronaldo na may kita na $800-M; Lionel Messi ($750-M); LeBron James ($680-M); Roger Federer na nasa panglimang puwesto na may kita na $640 million; Tiger Woods ($615-M) ; Phil Mickelson ($480-M); Manny Pacquiao ($435-M) ; Kevin Durant ($425-M) at Lewis Hamilton ($400-M).