-- Advertisements --

Hindi nagpakita ng pag-aalala si US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr sa nakatakdang laban nito kay Japanese mixed martial artist Mikuru Asakura.

Sinabi nito na kahit na magiging madali lamang sa kaniya ang nasabing exhibitio fight na gaganapin sa Linggo sa Saitama Super Arena.

Wala aniya ito ng nakikitang problema at kaya niyang ulitin ang ginawa niya kay Japanese kickboxer Tenshin Nasukawa na kaniyang pinatumba sa loob ng dalawang minuto noong 2018.

Hindi na rin aniya nito patatagalin ng tatlong round ang laban niya kay Asakura.

Magugunitang matapos ang kaniyang pagrertiro sa boxing noong 2017 ay sa exhibiton boxing fight na ito lumalaban.