-- Advertisements --

Inanunsyo ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi muna nila papayagan na magtaas ng matrikula ang mga higher education institution (HEIs) a bansa sa gitna ng nararanasang krisis.

Sa isang pulong balitaan kaugnay ng mga bagong programa ng edukasyon, sinabi ni CHED Chairperson Shirley Agrupis na marami sanang HEIs ang humiling na makapagtaas ng tuition dahil sa pagtaas ng gastos sa operasyon.

Gayunpaman, hiniling ng CHED sa mga paaralan na ipagpaliban muna ang anumang plano ng tuition increase dahil hindi ito ang tamang panahon sa harap ng nararanasang economic challenges.

Ayon kay Agrupis, naiparating na nila ang panawagan sa mga institusyon at nauunawaan naman umano ito ng mga paaralan.

Tiniyak din ng CHED na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga HEIs upang tugunan ang mga usapin kaugnay ng matrikula at matiyak na hindi maaapektuhan nang labis ang mga estudyante.