-- Advertisements --
image 167

Muling gumawa ng eksena si Floyd Mayweather Jr. ngunit sa kakaibang sitwasyon dahil nauwi sa kaguluhan ang kaniyang exhibition bout kay John Gotti III.

Nahinto ang laban sa ikaanim na round ngunit ipinagpatuloy ng dalawang boxer ang trash-talking na nagbunsod kay Gotti na habulin si Mayweather sa kabila ng pagpapahinto ng referee sa laban.

Parehong nagpakawala ng suntok ang dalawa at doon na pumasok ang kanilang mga kampo, hindi para tumigil kundi para sumama sa gulo.

Gayunpaman, si Mayweather ay nahiwalay kaagad at tumanggi nang sumali, habang ang ilan sa kaniyang mga tauhan ay naging agresibo dahil sa emosyon at nagdulot ng diskwalipikasyon.

Sa nasabing laban, ang walang talo na retiradong pro boxer ay nagsuot ng bandila ng Pilipinas bilang paggalang sa bansang nagdiwang ng Araw ng Kalayaan.