Mayorya ng mga Pilipino kontento at tiwala sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito ang resulta ng isinagawang survey ng OCTA Research sa 1,200 respondents noong huling kwarter ng 2023.
Lumalabas sa survey na 100 porsyento ng mga Pilipinong respondent ang nagsabing aware sila sa AFP mula sa 89% noong Oktubre 2023.
Sa mga nagsabing aware sila sa AFP, 86% dito ang kontento sa paggampan ng AFP sa kanilang tungkulin at acoomplishments habang 2% lang ang mga hindi kontento.
Tumaas ang net satisfaction rating ng AFP sa lahat ng lugar sa bansa maliban sa Mindanao.
Habang ang net trust rating naman ng AFP ay pinakamataas sa Mindanao, sinundan ng Visayas habang pinakamababa naman ang net rtust rating sa NCR.
Sa findings ng OCTA, patulong na nakakatanggap ang AFP ng mataas na trust at satisfaction ratings noong 2023. Nagpapakita ito na ang AFP ay isa sa pinagkakatiwalaan at top-performing government agencies noong nakalipas na taon.