-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagpaliwanag si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio hinggil sa pagkuwestiyon ng Commission on Audit (COA) sa P9.48 billion assets ng lokal na pamahalaan base sa 2020 audit report.

Sinabi ni Duterte-Carpio na Pebrero 23, 2021 pa nang mapag-usapan ang nasabing issue sa isinagawang COA Exit Conference.

Nakapagbigay na rin aniya ang lungsod ng komento at paglilinaw pagtungkol sa nasabing isyu.

Ayon sa alkalde, nagbigay sila ng compliance ngunit hindi naisagawa ang physical/actual counting dahil sa ipinatupad na covid-19 community quarantine restrictions.

Una nang sinabi ng auditor mula COA na nakukulangan sila sa financial reports ng Davao LGU matapos na mabigo ito na ilatag ang mga property, plan, at equipment accounts. 

Inihayag rin ng state auditors na hindi nila masiguro ang validity, correctness, at existence ng 40.10% o P9.48billion sa ₱23.66 billion total assets na una ng naka-rehistro sa buwan ng Disyembre sa nakaraang taon dahil walang umanong ginagawang actual count.