-- Advertisements --
DAVAO CITY – Binalaan ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ang publiko laban sa mga taong humuhingi ng pera para gamitin umano sa kanyang kampanya sa pagkapangulo.
Sa kanyang inilabas na video message, nilinaw ng presidential daughter hindi niya pinahintulutan ang fundraising na ito.
Malinaw aniyang panloloko lamang ang ginagawa ng mga nasa likod ng naturang scam.
Batay sa nakarating na report sa kanyang tanggapan, inihayag ng alkalde nna mayroong mga tao o grupo na humingi ng pera mula sa mga negosyante para gamitin umano sa kanyang pangangampanya
Pinayuhan nito ang publiko na kaagad isumpong sa mga pulis ang sakaling may gumamit ng kanyang pangalan at humingi ng pera upang sa gayon ay kaagad ding maaresto ang mga ito.