-- Advertisements --

(Update) Naaresto si Ferrol Romblon Municipal Mayor Jovencio Li. Mayor Jr. at 200 iba pa sa Tubigon Square Garden (Cockpit Arena) sa Barangay Tubigon, Ferrol, Romblon.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) Mimaropa regional director B/Gen. Sidney Sultan Hernia kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, ang pag-aresto ay bunsod daw ng “Oplan Bolilyo” na inilunsad ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG)-Romblon Provincial Field Unit, Ferrol Municipal Police Station at Romblon Provincial Mobile Force Company.

Ito’y matapos na makatanggap ng impormasyon ang CIDG Romblon na may nagaganap na sabong sa naturang cockpit kahapon sa kabila ng umiiral na Alert Level 3 sa lalawigan ng Romblon, na nagbabawal sa naturang aktibidad.

Huli sa akto ang mga suspek na lumabag sa IATF Resolution No. 159-A series of 2022 dated January 29, 2022, at Presidential Decree 449 o Cockfighting Law of 1974 as amended by Presidential Decree 1602.

Sinabi ng PNP chief na “unfortunate” na isa pang halal na opisyal ang nahuli sa iligal na aktibidad, pero patunay lang ito na ginagawa ng mga pulis ang kanilang trabaho, at umaaksyon sa mga natatanggap na sumbong ng iregularidad.