TACLOBAN CITY – Naging tampulan ng usapin ngayon ang pagbibigay ng memo ng alkalde ng Naval sa probinsya ng Biliran kaugnay sa mga empleyado na patuloy na naglalaro ng nauusong online game na Mobile Legends.

Batay sa ipinalabas na kalatas ng naturang alkalde, nagbabala ito na mawawalan ng trabaho ang mga empleyado na mapatutunayang naglalaro nang naturang online game.

Nakakuha naman ng atensyon ang naturang memo matapos nitong gayahin ang mga kataga sa sikat na laro kagaya na “level up,” at “squad up.”