DAVAO CITY- Dama ngayon ang kalungkutan sa lalawigan ng Sta. Maria Davao Occidental matapos na pumanaw ang kanilang alkalde nga si Mayor Rudy Pacis Mariscal Sr. kahapon sa edad na 68 anyos.

Sinasabing kilala si Mayor Mariscal sa kanyang pagiging disiplinado bilang public servant, may dedikasyon sa kanyang trabaho at tumutulong sa mga mahihirap.

Kilala ang opisyal sa lugar dahil ilang taon na itong naninilbihan at marami na rin ang naipatupad na proyekto.

Sa kasalukuyan hindi na nagbigay pa ng dagdag na impormasyon ang pamilya ng alkalde kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito.