Naglaan ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services Inc. ng P2.8 billion pesos para sa pagtatayo ng limang bagong pumping station at reservoir sa Quezon City, Valenzuela, Muntinlupa at Cavite sa susunod na limang taon.
Ang mga bagong pasilidad na ito ay magpapalakas ng presyon ng tubig sa network ng tubo at magdagdag ng 211 million na litro sa kapasidad ng pag-imbak ng tubig ng Maynilad, sa gayo’y magpapahusay sa pamamahagi ng suplay partikular na sa mga matataas na lugar kung saan limitado pa rin ang availability ng tubig.
Bukod sa mga bagong pasilidad na ito, gumagastos din ang Maynilad ng humigit-kumulang P1.5 bilyon para i-rehabilitate ang 17 sa mga kasalukuyang pumping station at reservoir nito para matiyak ang operational efficiency at mapanatili ang pinakamabuting performance nito.
Ang mga proyektong ito ay bahagi ng P219.8-billion pesos na kabuuang plano ng paggasta ng Maynilad para sa 2023 hanggang taong 2027, na sumasaklaw din sa pagtatayo ng mga bagong water at wastewater treatment plants, pagpapalit at pagkukumpuni ng mga lumang pipeline, at iba pang mga proyekto.
Sa kasalukuyan, ang kumpanya ng tubig ay mayroong 38 pumping station at 37 reservoir na matatagpuan sa mga strategic location sa buong concession area nito.