-- Advertisements --

Pormal nang inilunsad ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paggamit ng online application na tatawaging ‘May Huli Ka’ app na siyang layong magamit ng mga motorista para kanilang macheck kung mayroon nga ba silang mga ongoing violations na siyang nahuli ng mha CCTV cameras ng tanggapan para sanpatuloy na umiiral na No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Bago nito ay inimbita rin ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III para naman ipakita kung paano ito makakatulong sa inisyatibo ng hepe na mapabilis ang response time ng kanilang hanay sa kalakhang Maynila.

Ayon kay Artes, nakatakda nang makipagugnayan ang kanilang tanggapan sa PNP para sa tie-up na gagawin sa paggamit ng naturang siste para naman sa 5 minute response time ng mga kapulisan.

Pagtitiyak ni Artes, malinaw ang nga cameras na magagamit ng PNP para sa crime prevention at crime solving ng kanilang hanay at para na rin sa mas mabilis na pagresponde ng mga pulis sa mga maaaring krimen na makikita sa pamamagitan ng nga cameras na ito.

Lubos namang nagpapasalamat si Torre sa MMDA dahil sa pagpayag na magamit ang kanilang pasilidad at kapasidad para sa kanilang inisyatibo.

Suportado rin ng hepe ang sistema dahil aniya, sa pamamagitan nito mas mabilis na mareresolba ang mga krimen at mas agarang police assistance mula sa kanilang hanay. Layon din ng MMDA na magbigay suporta rin sa anti-crime response ng PNP.

Samantala, kanina ay nagkaroon nga ng demo ang hepe at talagang naging epektibo ang naturang tie up ng dalawang ahensya para sa mabilis na pagresponde ng mga pulis.

Isang halimbawa nga ang naging mabikis na pagresponde ng isang pulis sa bahagi ng EDSA People Power Monument nabsiyang dumating sa lugar in less than 3mins.

Pagtitiyak pa ni Torre mas magiging mainam ang response time ng pulis ngayon lalo na sa tulong ng mga malilinaw na cameras ng MMDA.

Sa kasalukuyan naman ay nagakakaroon na ng dayalogo ang dalawang lider para sa mas mainam at mas maayos na proseso ng kanilang tie up kontra sa kriminalidad.