CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril sa Kidapawan City.
Nakilala ang biktima na si Roy Acompaniado Canonigo Alyas Bobong, 45-anyos, may asawa at residente ng Baranggay Sudapin, Kidapawan, City.
Ayon sa ulat ng pulisya, na abala sa pagwe-welding sa paggawa ng tricycle body ang biktima sa kanyang shop sa Purok 1-A Baranggay Manongol Kidapawan City ng bigla na lamang dumating ang dalawang hindi kilalang suspek at itoy pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Agad namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo.
Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng tama ng bala sa ulo.
Hustisya naman ang sigaw ng pamilya nito sa sinapit ng biktima.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima.