-- Advertisements --
Malaki ang paniwala ng may-ari at pinagbilihan ng mga lambanog na nakalason sa halos 20 biktima sa Laguna at Quezon na sinabotahe ang kanilang produkto.
Ayon kay Alfredo Rey ang gumagawa ng “Rey’s” Lambanog, na limang dekada na ito sa industriya at tinitiyak nito na walang anumang kemikal na hinahalo ito sa kaniyang produkto.
Dumaan sa natural na proseso ang mga ito at purong niyog pa ang mga ito.
Humingi naman ng paumanhin sa mga biktima si Emma Ocaya ang may-ari ng tindahan kung saan nabili ang mga lambanog.
Handa rin aniya itong magbigay ng tulong sa mga biktima ng pagkakalason dahil sa lambanog.