Nangako ang airline company na may-ari ng medical plane na bumagsak sa Calamba, Laguna kahapon na sasagutin nila ang gastusin sa lamay at libing ng siyam na nasawi sa trahediya.
Ayon sa abogado ng Lion Air na si Atty. Lester Ople, target muna nilang tutukan ang pagpaabot ng tulong sa pamilya ng mga biktima at crew ng eroplano.
Handa naman daw makipag-tulungan sa mga otoridad ang kompanya hinggil sa ginagawang imbestigasyon.
Nitong umaga nang pasukin ng mga pulis ang resort kung saan nag-crash ang BE-350 medical evacuation plane. May registration number naman itong RP-C2296.
Sa ngayon may mga imbestigador na raw mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na sumusuri sa halos hindi na raw makilalang eroplano.
Nilinaw ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na walang blackbox ang naaksidenteng medical plane dahil sa commercial planes lang daw ito ginagamit.
Pero may tracking at communication system daw ang bumagsak na eroplano na magagamit sa ginagawang pagsusuri.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo, sinabi ni Calamba PNP director police Col. Jacinto Malinao na bago pa bumagsak ang eroplano pasado alas-3:00 ng hapon ay may parte na ng pakpak nito na nalaglag sa lugar.
Sinubukan pa raw ng eroplano na umangat at iwasan ang pag-crash batay sa kwento ng ilang saksi sa lugar kung saan nangyari ang aksidente.
“May portion ng eroplano na bumagsak. (Siguro) yung pakpak, but mahirap (i-confirm) kasi very technical yan. Any fragment nung eroplano, itu-turn over sa CAAP.”
“Sa visual kahapon, hindi mo na talaga masabing eroplano ba yung bumagsak kasi wala ka ng makita na visible parts. Mga recadrecares