-- Advertisements --

Nagkampeon sa Japanese Grand Prix si Max Verstappen.

Nagtala ito ng kabuuang oras na 3:01:44.004 sa karera na ginanap sa Suzuka, Japan.

Ito na ang pang-12 panalo ng 25-anyos na si Verstappen.

Naging malaking hamon sa kaniya ang karera dahil sa pag-ulan.

Nabigyan kasi ng penalty si Charles Leclerc kaya hindi na ito tuluyang nahabol ang 25-anyos na Formula One racer mula sa Netherland.

Mayroon pang apat na karera ang natitira ngayong season kabilang ang US Grand Prix sa Austin, Texas sa darating na Oktubre 23.

Tanging sina Michael Schumacher (2001, 2004) at Sebastian Vettel (2011) ang nagkampeon sa apat na natitirang karera.