-- Advertisements --

Nakapagtala na ng matinding pagbigat sa daloy ng trapiko sa unang araw ng implementasyon ng dagdag na public transport system, kagaya ng city buses at iba pang sasakyan.

Ito ang ika-100 araw mula nang pairalin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang community quarantine.

Magugunitang ipinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso 16, 2020, makaraang makitaan ng paglobo ang bilang ng mga tinatamaan ng deadly virus.

Binigyang diin ng Department of Transportation (DOTR) na nananatili pa rin ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) at hindi pa rin pinapayagan ang mga aktibidad na hindi naman lubhang kinakailangan.

Base sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ilan sa mga lansangang nakapagtala ng matinding pagbigat sa daloy ng mga sasakyan ang EDSA at Commonwealth Avenue sa Quezon City.

-- Advertisement --

Nakadagdag pa rito ang malakas at biglaang pagbuhos ng ulan.