-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng PAGASA sa mga mamamayan ng ibayong pag-iingat ngayong panahon ng tag-init.

Ito ay matapos na naitala ang pinakamataas na heat index kahapon Abril 9 sa lungsod ng Dagupan, Pangasinan.

Ayon sa data ng PAGASA naramdaman ito ng 2:00 p.m. na umabot sa 51.7°C.

Sinundan ito ng Cuyo, Palawan na may 46.2°C at Tuguegarao, Cagayan na may 43.5°C.

Ang heat index o init factor ay ang init na nararamdaman ng isang tao.

Nanawagan ang ahensya na iwasan ang paglabas at magbabad sa araw mula 10 a.m. hanggang 3 p.m. at ugaliing damihan ang pag-inom ng tubig.

Umaasa pa ang ahensiya na patuloy na mararamdaman ang matinding init hanggang sa susunod na buwan ng Mayo.