-- Advertisements --

Naglaan ang Australia ng pasilidad para sa Pilipinas, partikular na sa mga buntis at manganganak na hindi na ma-accomodate sa ilang ospital sa ating bansa.

“Australia is helping provide access to safe pregnancy and childbirth during COVID-19,” saad ng mensahe mula sa Australian embassy.

Pupunan ng naturang tent pangangailangan sa dagdag na pasilidad ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital na nasa Metro Manila at Cotabato Regional and Medical Center na nasa Bangsamoro Autonomous Region and Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Acting Ambassador Richard Sisson, maraming buhay ang maisasalba sa malaking tent, dahil kompleto ito sa mga kagamitan para sa ina at kanilang sanggol.

Katuwang ng Australian envoy sina UNFPA Philippines Country Representative Dr. Leila Joudane at Department of Health (Philippines) NCR Regional Director Gloria Balboa sa pagbisita sa Fabella Hospital.

Bahagi umano ito ng bayanihan at partnership ng Pilipinas at Australia para makabangon sa epekto ng pandemya.