BAGUIO CITY – Makikibahagi ang mahigit sa 40 mountaineers at trekkers sa Kibungan “Summer Climb 2019: The Rocky Wall Experience” na magaganap sa Kibungan, Benguet mula ngayong araw hanggang sa Mayo 5.

Ayon kay Charo Solimen, Municipal Tourism Officer ng Kibungan, Benguet, magsisilbing ruta ng trekking activitiy ang tinatawag na Kibungan Circuit Route na sakup ng Barangay Poblacion, Palina at Tacadang.

Aakyatin ng mga hikers ang Mt. Tagpew at Mt. Tagpaya at dito nila matutunghayan ang iba’t ibang rice terraces at mga ilog.

Magiging ruta ang mga nagtataasang mga mabatong budok.

Inaasahan ng Municipal Tourism Office na sa pamamagitan ng Summer Climb 2019 ay lalo pang lalago ang turismo sa Kibungan, Benguet.

Una nang tiniyak ng opisina ang seguridad ng mga makikibahagi.