-- Advertisements --
fuel

Kasabay ng muling pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, sinabi ng mga industry experts na dalawang factor ang nakikita nilang dahilan sa muling rollback sa susunod na linggo.

Ayon sa mga industry experts, kabilang na rito ang matamlay na domestic demand ng petrolyo at ang mahigit pa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) restrictions ng China.

Kung maalala base sa pagtaya ng mga energy sources, ang presyo ng gasolina at diesel ay posibleng magkaroon ng rollback na P2 kada litro.

Ang presyo ng diesel ay posibleng bumaba ng P1.70 hanggang P2 kada litro habang ang gasolina naman ay posibleng may rollback na P1.90 hanggang P2.10 kada litro.

Mayroon ding bawas sa presyo ng kada litro ng kerosene na P1.30 hanggang P1.60 kada litro.

Samantala, ngayong taon, ang presyo ng gasolina ay nagkaroon ng umento na P17.75 kada litro habang P33.85 naman sa kada litro ng diesel at P26.85 sa kerosene.