DAVAO CITY – Iba’t-ibang uri ng high powered firearms ang narekober ng militar sa mga engkuwentro kontra NPA mula noong Linggo hanggang kahapon.

Ayon kay Col. Nolasco Mempin, commander ng 1003rd Infantry Brigade Philippine Army, walong high powered firearms, isang granada, blasting caps, dental at medical paraphernalia, mapa na ginagamit ng mga rebelde at mga damit ang ilan lamang sa mga narekober nila sa mga nakalipas na araw.

-- Advertisement --

Nagpapatuloy pa rin aniya sa ngayon ang kanilang paghahabol sa grupo ni Ka Egor ng Guerilla Front 56 ng NPA.