-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Palaging nagpapaala ang Israeli Government sa mga mamamayan na manatili sa loob ng kanilang bahay dahil sa tumataas na temperatura dulot ng heatwave.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Meena Fabros Marquez na simula noong Martes ay naramdaman na ang tumataas na termepatura sa Israel.

Naitala ang 32 degrees celcius sa Tel Aviv, 34 degrees celcius sa Jerusalem, sa Haifa ay 31 dgrees celcius, 38 degrees celcius sa Beersheba at sa Eilat ay nagtala ng pinakamainit na umabot sa 41 degrees celcius.

Inaasahang sa buwan ng Agosto ay mararamdaman ang peak ng summer.

Aniya, hindi lamang temperatura ang tumataas kundi ang high level of humidity at napakahirap huminga kapag nasa labas ng bahay.

Sa ngayon ay nasa loob lamang ng kanilang mga bahay o apartment ang mga tao kapag walang mahalagang gagawin sa labas dahil magsasanhi ang heatwave ng paglala ng mga may iniindang sakit.

Inihayag pa ni Marquez na wala namang naitatalang kaso ng wildfire sa Israel ngunit pinaghahandaan na ng pamahalaan dahil sa napakainit na panahon.