Naging mabunga ang ginawang pagpupulong ni US National Security Adviser Jake Sullivan kay Chinese Foreign Minister Wang Yi.
Ginanap ang dalawang araw na pulong ngayong weekend sa Malta.
Dito ay tinalakay nila ang isyu tungkol sa Taiwan, ang isla na inaangkin ng China.
Sinabi ni Sullivan na ang pinapahalagahan ng US ang peace and stability sa Taiwan Strait.
Tiniyak nila ang pagkakaroon ng strategic channel of communication at isulong ang dagdag na high-level engagement.
Una ng inakusahan ng China ang US na inaarmasan ang Taiwan at ilang mga bansa para sila ay labanan.
Naniniwala ang White House na ang pulong nina Sullivan at Wang ay siyang unang serye ng pag-uusap sa gaganaping pulong ngayong taon din nina US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping.