-- Advertisements --
Inamin ng mataas na opisyal ng Ukraine na malapit ng makontrol ng Russia ang mga bayan ng Severodonetsk at Lysychansk.
Sinabi ni Oleksiy Arestovych ang isa adviser ng pangulo ng Ukraine na napalibutan na ng mga sundalo ng Russi ang nabanggit na ng mga lugar.
Bagamat patuloy ang nagaganap na labanan ay inamin nito na malakas ang puwersa pa rin ng mga Russia sa lugar.
Ang nasabing pahayag a kasunod ng pag-akusa ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na sinusubukang sirain ng Russia ang Donbas region.