Binigyang-diin ni Cavite Representative Elpidio Barzaga Jr., na dahil sa hardworking leadership at competent house members kaya nakamit ng Kamara ang mataas na public satisfactory ratings, batay sa resulta ng SWS survey.
Nakapokus ang Kamara sa pagpasa ng mahahalagang panukalang batas na prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Si Barzaga ang siyang chairman ng House Committee on Natural Resources, ay nagsabi na ang mga miyembro ng Kamara ay kumukuha ng kanilang go-signal mula kay Speaker Romualdez, na kitang-kitang bilang isa sa pinaka-produktibo, masigasig at masipag na house leader.
“If our leaders are busy, we are all busy. We take after the example of our beloved Speaker. We move at his pace. This is the reason the House of Representatives has been very productive in passing bills and resolutions, owing in no small part to its leaders,” pahayag ni Barzaga.
Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) public satisfaction survey, pinangunahan ng House of Representatives ang listahan ng mga ahensya ng gobyerno na nakakuha ng mataas na satisfaction ratings, na nakakuha ng score na +53 sa isang survey na isinagawa mula Disyembre 10 hanggang 14 na nanatili sa saklaw ng “Very Good.”
Ipinahiwatig din ng survey na 63 porsiyento ng mga respondents ang nagpahayag ng kasiyahan sa kamara, habang 7 porsiyento lamang ang hindi nasisiyahan.
“I am very glad that the Filipino people recognize our hard work here in the House of Representatives. But let me clarify that we do not work to get recognition. We work because it is our sworn duty and mandate,” wika ni Barzaga.
Naniniwala din si Barzaga,“I am almost certain that the House of Representatives will hit the ground running in passing these remaining measures of the LEDAC, once sessions resume in May. And during the break, the Speaker has even authorized committees to conduct hearings. So we can still work during recess.”