-- Advertisements --

Lumabas sa isinagawang market study ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang buko, calamansi, carrageenan, at moringa ay may may mataas na export potential sa European markets.

Kasama na rin dito ang ube, turmeric, butterfly pea flower at elemi tree.

Ayon sa DTI, ang mataas na demand sa mga nasabing produkto ay dahil sa healthy lifestyle choices at paggamit ng natural ingredients sa paggawa ng cosmetics at mga gamot.

Dahil dito ay nanawagan si DTI Usec. Abdulgani Macatoman sa lahat ng mga Philippine producers ng mga nabanggit na natural ingredients na simulan na ang pag-eexport nito sa Europe.

Nakahanda aniya silang alalayan ng DTI-Export Marketing Bureau (EMB) para maging export-ready at kumonekta sa mga foreign buyers.

Ang pag-aaral na pinamagatang “Marketing Intelligence EFTA for the Philippines” ay isinagawa ng Swiss Import Promotion Program (SIPPO), katuwang ang DTI-EMB at embahada ng Switzerlan sa Pilipinas.

Sinuri sa nabanggit na pag-aaral ang viability ng Philippine textiles, natural ingredients at processed food para sa European market, lalong lalo na sa European Free Trade Association (EFTA) sa mga bansa tulad ng Iceland, Liechtenstein, Norway at Switzerland.

Ayon pa kay Macatoman, mayroon nang nilagdaan na free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at EFTA na naging epektibo simula noong 2020.