-- Advertisements --
image 210

Naniniwala ang Office of the Press Secretary (OPS) na posibleng maabot ang ligtas, masustansiya at abot kayang presyo ng pagkain sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kasabay na rin ito ng pakikiisa ng OPS sa buong mundo sa komemorasyon ng World Food Day sa gitna ng samu’t saring hamon sa buong mundo na nakakaapekto sa global food security.

Para naman sa OPS, ang pinakamagandang paraan para maabot ang food security ay ang pagsuporta sa mga magsasaka at mga fisherfolk.

Maliban dito, kailangan din umanong pangalagaan ang ating kalikasan.

Dahil dito, hiniling ng OPS sa ating mga kababayan na sama-samang suportahan ang mga magsasaka at mangingisda at ang kalikasan na siyang pinanggagalingan ng ating pagkain.

Ang World Food Day ay ipinagdiriwang kada Oktubre 16 na siyang araw kung kailan itinatag ang United Nations Food and Agriculture Organization noong 1945.

Kuna maalala, sa kanyang speech sa pagdalo nito sa 77th United Nations General Assembly noong Setyembre, isa sa mga binigyang halaga ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pag-i-invest sa food security.

Aniya, dapat daw ay magbigay ang ating gobyerno ng innovative solutions at financial support sa mga magsasaka at mga mangingisda para maka-adopt sa mga bagong teknolohiya at makapag-connect sa national at global value supply chains para mapatibay at mapanatili ang food security.

Binigyang diin din nito ang kahalagahan na maprotektahan ang biodiversity sa gitna ng hamon ng climate change sa pamamagitan nang pag-enhance sa global cooperation.