Pinangalanan na ng National Bureau of Investigation (NBI)-7 ang mastermind ng pag-ambush kay Atty. Joey Luis Wee.
Kinilala ni NBI-7 Director Atty.Renan Oliva na isang retiradong military ang suspek na si Retired Lt. Col. Edwin Layese at pinaniniwalaang ito ang namuno sa gun-for-hire group.
Kung maalala, pinatay ang high-profile lawyer na si Wee noong Nobyembre ng nakaraang taon ng anim na gunmen sa loob ng building nito sa Brgy.Kasambagan, Cebu City.
Ayon kay Director Oliva na pinaniniwalaang si Layese din ang mastermind ng pagpatay kay Atty. Joseph Gupana noong Oktubre ng nakaraang taon sa Lapu-lapu city.
Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon ng NBI na konektado ang pag-ambush ng dalawang lawyer.
Samantala, nilinaw ni Director Oliva na mas bibigyan nito ng atensyon ang kaso ng pagkamatay ni Atty. Wee.