BACOLOD CITY – Mahigpit na seguridad ang ipinapatupad ngayon sa lungsod ng Bacolod kasabay ng pagsisimula ng MassKara Festival 2019.

Kagabi, naging makulay ang Bacolod public plaza kasabay ng pormal ng pagbubukas ng 40th edition ng MassKara Festival dahil sa fireworks display.

Mismong si Bacolod City Mayor Evelio Leonardia ang nanguna sa opening ceremony, kasama na rin ang ibang local officials ng lungsod.

Nagpakitang-gilas din ang mga turista sa pamamagitan ng pagsayaw ng kanilang traditional dance sa International Solo Mass Dance Performance.

Ito ay matapos nagpadala ng sulat ang lungsod ng Bacolod sa iba’t ibang embahada upang imbitahin ang mga ito sa MassKara Festival.

Rumampa rin ang 10 kandidata sa MassKara Queen 2019.

Sa ngayon, ipinapatupad ang traffic rerouting sa Bacolod bilang bahagi ng security measures sa aktibidad.