-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Sa kabila ng ng pagiging delikado ay hindi pa rin maiwasan na gamitin ang Masbate port para tumanggap ng mga produkto mula sa ibang lugar.

Malaki ang natamong pinsala ng naturang pantalan sa Cataingan, Masbate dahil sa malakas na lindol na naranasan ng lugar noong nakaraang linggo.

Delikado subalit hindi maiwasang gamitin sa pagtanggap ng mga produkto mula sa ibang lugar ang nasirang pantalan sa Cataingan, Masbate dahil sa malakas na lindol.

Una nang inirekomenda ng Philippine Ports Authority (PPA) na huwag na munang gamitin ang nasabing pantalan dahil sa kasalukuyang sitwasyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Felipe Cabataña sa panayi, malaking problema umano ang kaakibat nito dahil sa Masbate port din umaasa ang mga kalapit na bayan.

Magiging pahirapan aniya ang pagbiyahe ng mga pangunahing pangangailangan kung kaya’t pansamantala itong ginawan ng paraan upang hindi mahadlangan ang operasyon.

Ayon pa kay Cabataña, nasa 80% ng mga goods na patungo sa Cataingan ang mula sa Cebu na ibinabiyahe sa barko.
Aminado ang alkalde na nagkakaroon ng pagkaantala sa operasyon dahil hindi agad makapasok sa pantalan ang mga truck.

Nagbigay abiso naman ito sa mga gumagamit ng pantalan na magdahan-dahan upang matiyak na hindi matitigil ang suplay ng goods patungo sa lugar.

Tuloy-tuloy rin ang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa iba pang kalsada at tulay na napinsala ng lindol.