-- Advertisements --

Kabuuang 19 trains ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang mag-operate simula bukas, Hunyo 1, 2020.

Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, mas marami ito kumpara sa 15 train sets na nag-operate bago isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Metro Manila noong Marso dahil sa COVID-19 pandemic.

“Sa ganitong pamamaraan, madadagdagan ang biyahe at madadagdagan ang mga mananakay bagamat limited capacity,” ani Tugade.

Gagawin na ring 40 kph ang operating speed ng mga trend ng MRT mula sa dating 25 kph hanggang 30 kph lamang.


Sinabi naman ni MRT-3 Director for Operation Michael Capati na ang developments na ito ay inaasahang makakatulong sa pagbabawas na gagawin sa passenger capacity ng kanilang mga tren.

“Having more trains, a faster operating speed, and lower headway are intended to contribute in mitigating the reduction in the capacity of MRT-3, which will only be able to accommodate 153 passengers per train set, or 13% of its pre-ECQ capacity of 1,182 passengers per train set, due to implementation of 1-meter social distancing inside trains,” ani Capati.

Bilang bahagi ng quarantine protocols, naglagay ng physical distancing markers sa loob ng mga tren para matiyak na susunod ang mga pasahero sa one-meter physical distancing requirement ng pamahalaan.