
Kinalampag ng grupo ng mga magsasaka sa bansa ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) na mas higpitan ang pagbabantay sa pagpasok ng mga inangkat na produktong pang-agrikultura sa bansa.
Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) president at chairman Rosendo So, nasa 10% lamang ng mga smuggled o puslit na sibuyas ang nasasabat ng mga awtoridad.
Maliit na bilang lamang aniya ito kumapara sa kabuuang smuggled na sibuyas na pumasok na sa ating bansa.
kamakailan, nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa P3.9 million halaga ng smuggled na puting sibuyas sa Divisoria sa Manila.
Naghain na ng kaukulang kaso laban sa mga smugglers at brokers.
Subalit ang problema ayon sa SINAG president sa nakalipas na mga taon hindi nasamapahan ng kaso ang ilang smugglers. May ilan ding importers na hindi tama ang idinideklarang produkto para lamang maipuslit ang mga ito sa bansa.
Nauna ng nagpaaalala naman ang DA sa publiko na huwag bumili ng mga sibuyas mula sa online platforms dahil posibleng ang mga ito ay ilegal na ipinasok sa ating bansa.










