Isang mutated strain o umusbong na strain ng SARS-CoV-2 virus, na pinaniniwalaang mas nakakahawa, ang natuklasan na rin ng mga eksperto dito sa Pilipinas.
Ang G614 strain na unang natuklasan ng mga researchers sa ibang bansa, ay nakita na rin daw ng mga Pilipinong scientists sa ilang maliliit na samples ng mga confirmed cases sa Quezon City.
Ayon sa Philippine Genome Center, kasama nilang nadiskubre sa naturang samples ang orihinal na D614 geontype.
“In the month of June, both the D614 as well as the G614 have been detected in a small sample of positive cases. Although this information confirms the presence of G614 in the Philippines, we note that all the samples tested were from Quezon City and may not represent the mutational landscape for the whole country.”
Ang D614 strain ang unang variant ng virus na unang nakita ng mga eksperto nang sumirit ang COVID-19 cases sa bansa noong Marso.
Sa kabilang ng nadiskubreng impormasyon, nilinaw ng research center na hindi naman sinasalamin nang resulta ng pag-aaral ang mutation landscape ng SARS-CoV-2 virus sa Pilipinas.
“Although this information confirms the presence of G614 in the Philippines, we note that all the samples tested were from Quezon City and may not represent the mutational landscape for the whole country.”
Batay sa pag-aaral na lumabas noong Hunyo sa scientific journal na Cell, nakasaad ang pagkaka-diskubre ng ilang eksperto sa mas mataas na viral load ng sakit sa taong infected ng G614 strain.
Hindi naman daw sinasabi ng datos na nakamamatay ito, pero may tsanang lumala ang pagkalat ng sakit dahil sa naturang strain.
“However, there is still no definitive evidence showing that carriers of the G614 variant are actually more transmissible than those with D614, and the mutation does not appear to substantially affect clinical outcomes as well.”
“Nevertheless, considering the presently wide geographic spread of G614, continuous monitoring of the said mutation – and other frequently observed mutations for that matter – must be done in order to better understand the evolutionary trajectory of SARS-CoV-2 to inform containment, diagnostic, and therapeutic strategies.”