Umaasa ngayon ang Commission on Elections (Comelec) na mas mataas ang magiging voter turnout sa overseas voting at malalagpasan pa ang voter turnout sa mga nagdaang halalan.
Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, target umano nila ang 36 hanggang 37 percent ng overseas voters’ participation.
Sa ngayon ay nasa 34.24 percent na raw ang voter turnout at marami pa ang hindi nakakapagsumite ng kanilang mga boto.
Sa mga nakaraang halalan, mas mataas ang voter turnot sa mga presidential elections gaya noong 2004 na nasa 65 percent o 233,137 voters, 2010 na mayroong 153,323 voters o katumbas ng 26 percent at 32 noong 2016 o 430,695 voters.
Samantala, sa midterm polls ang voter turnout naman ay mas mababa noong 2007 na mayroon lamang 81,732 voters o 16 percent, 118,823 voters o 16 percent noong 2013 at 18 percent noong 2019 na mayroong 336,447 voters
Samantala, iniulat naman ni Comelec Acting Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco naitala raw ang pinakamataas na voter turnout para sa local absentee voting (LAV).
Napakataas daw ito sa 88 percent voter turnout.
Nasa 84,357 na botante ang nagrehistro sa local absentee voters.
INoong 2010 nasa 74 percent lamang ang LAV habang noong 2013 polls ay nakapagtala lamang ng 64 percent voter participation.
Noong 2016 at 2019 LAV ay parehong nagkaroon ng 77 percent voter turnouts.
Ang LAV participants ay ang mga empleyado ng pamahalaan mga militar, pulis, health, miyembro ng media at iba pang magsisilbi sa election day.