-- Advertisements --

Makakatanggap ng mas marami pang COVID-19 vaccine na Sputnik V ang bansa mula sa Russia.

cropped duterte putin 1

Ito ang naging pagtitiyak ni Russian President Vladimir Putin nang makausap niya si Pangulong Rodrigo Duterte bilang bahagi ng 45th anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Sa kasalukuyan ay mayroong 80,000 doses na ng Sputnik V ang natanggap ng Pilipinas.

Handa ring mag-import ang Russia ng mga agricultural products ng Pilipinas at pagsuporta sa mga infrastructure projects.