-- Advertisements --
ambass

Isang kasunduan na magpapadali sa deployment ng mga propesyonal at skilled Filipino worker sa Austria ay nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at ng gobyerno ng Austria.

Kasama sa delegasyon ng Austrian ay sina State Secretary for Tourism Susanne Kraus-Winkler, Austrian Ambassador to the Philippines Johann Brieger, at Secretary General Karlheinz Kopf.

Ayon kay Kraus-Winkler, marami sa mga manggagawang kailangan ng Austria ay nasa larangan ng pangangalagang pangkalusugan, turismo, engineering at IT.

Aniya, maaaring may posibilidad na mayroong humigit-kumulang 500 Pilipino na pumupunta sa Austria kada taon para sa larangan ng engineering, IT, healthcare at turismo.

Dagdag niya na maraming mga Pinoy ang nagttrabaho sa nasabing lugar na may kabuuang halos 20 porsyento.

Hanggang 80 porsyento ng mga Austrian company ang nakakaramdam ng kakulangan ng mga skilled worker sa iba’t ibang larangan ng trabaho.

Ipinaliwanag ni Kopf na ang Austria ay kasalukuyang may daan-daang libong hindi napunan na mga posisyon na naging dahilan upang mag-set up ng isang pambansang diskarte para sa recruitment.