Pumalo sa 88% ng mga Pilipino ang tutol sa panukalang baguhin ang Saligang Batas ngayong panahon, habang 74% naman ang hindi rin suportado ang pagpapalit ng konstitusyon sa mga susunod na buwan o taon, ayon ‘yan sa resulta ng survey na isinagawa ng Pulse Asia.
Umabot lamang sa 8% ang mga naniniwalang dapat ng amyendahan ang konstitusyon ngayon.
Lumabas din sa survey na mas maraming mga Pilipino na ang may alam hinggil sa isyu ng charter change kumpara noong nakaraang taon subalit hindi naman nagbabago ang datos kung ilang mga Pilipino ang nakakaalam ng mga planong baguhin o idagdag sa konstitusyon.
At kahit na pinaka maugong ang pag-alis ng foreign ownership restrictions sa balak na amyendahan ng Kongreso at Senado, nakita naman sa survey na hindi sang-ayon dito ang karamihan sa mga Pilipino.
Nasa 18% lang din sa mga respondent ang pumabor sa term extensions ng national at local officials.
Ang survey ay isinagawa noong March 6 hanggang March 10 na mayroong 1,200 respondents.