-- Advertisements --

Hinimok ng dalawang kongresista ang national government na magdaos ng mas marami pang online job fairs at virtual career platform activities para matulungan ang mga naghahanap ng trabaho pati na rin iyong mga nawalan ng hanapbuhay.

Sa ilalim ng House Resolution No. 1597, hinimok nina Deputy Speaker Camille Villar at Negros Occidental Reo. Francisco Benitez ang Department of Labor and Employment (DOLE), Civil Service Commission (CSC), at iba pang state agencies na palakasin ang kanilang job fairs para lalo pang mabawasan ang bilang ng mga unemployed sa bansa at pabilisin ang pagbanogn ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Baes sa report mula sa International Labor Organization (ILO) Asia Pacific noong Disyembre 2020 natukoy na nasa 10.9 million na manggagawang Pilipino ang nawalan ng trabaho at bumaba ang kanilang income pati working hours ngayong taon sa gitna ng pandemya.

Idinagdag pa ng mga mambabatas ang high-risk setors na may pinakamaraming nawalan ng trabaho ay ang manufacturing, transportation at storage, accomodation at food service activities, pati na rin ang sa arts, entertainment at recreation.