-- Advertisements --

Inihayag ng grupong Piston na mas marami pang mga lugar ang sasama sa kanilang protesta sa April 30 deadline ngayong araw para sa consolidation ng mga prangkisa sa ilalim ng PUV modernization program.

Ayon kay PISTON deputy secretary general Ruben Baylon, binubuo ang mga aktibidad ng decentralized mass assembly ng 12 iba’t ibang lugar sa National Capital Region at iba pang bahagi ng bansa.

Sa Metro Manila, kabilang aniya sa assembly areas ay sa Alabang, Muntinlupa, Baclaran sa ParaƱaque, Agoncillo at Pedro Gil streets sa Manila, Monumento sa Caloocan, E. Rodriguez Sr. Avenue at Novaliches sa Quezon City, Marikina,Pasig City, at iba pa.

Inaasahan naman ng Piston na makikiisa ang manibela ngayomg ikalawang araw ng kanilang transport strike.

Samantala, bukas naman Labor day, sinabi ni Baylon na magmamartsa sila mula sa Liwasang Bonifacio patungong Mendiola kasama ang obang mga sektor kabilang ang labor groups.

Sinabi naman ni Transportation USec. Andy ortega na ang mga public utility jeepneys na hindi pa rin magpapaconsolidate ngayong huling araw ay bibigyan ng pagkakataon para magpaliwanag.

Sa datos nga mula sa LTFRB at DOTr, ang bagong consolidation rate ng PUVs ay umabot nasa 78.33% sa buong bansa .