-- Advertisements --

Welcome para sa tambalang Lacson-Sotto ang pagdedeklara na rin ng kandidatura nina Manila Mayor Isko Moreno at Dr. Willie Ong para sa 2022 national elections.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, mas pabor sa mga tao kung maraming kakandidato, para marami ang mapagpipilian.

Mas masaya rin at makulay ang kampanya kapag marami umanong kalahok na mga kandidato.

“The more the merrier. More to choose from,” wika ni Sotto.

Ang tambalang Lacson-Sotto at Moreno-Ong pa lang ang mga tandem na nagdeklara ng pagtakbo.

-- Advertisement --

Habang si Pangulong Rodrigo Duterte naman sa pagka-bise president, si Pacquiao sa pagka-president, ngunit parehong wala pang kumpirmadong kapareha.