-- Advertisements --

Nangangamba ang mga locals na malapit sa itinuturing na Holy Ganges River sa Allahabad, India sa paglutang pa ng mas maraming mga bangkay ng mga nasawi sa coronavirus kasabay ng pagsisimula ng seasonal monsoon flooding.

Ayon sa opisyal ng holiest city ng Hindu na Allahabad, tinatayang 600 bangkay ng mga biktima ng deadly virus ang inilibing sa ilog.

Pagtataya ng mga local sa lugar na hindi pa ito ang kabuuang bilang ng mga bangkay na nakalibing doon at nababahala na mas marami pa rito ang matutuklasan dahil sa malakas na current dulot ng monsoon flooding.

Natatakot din ang mga residente na kung hindi maaalis ang mga bangkay, magdudulot ito ng mas mapanganib na sakit at pagkakontaminado ng naturang ilog na isa na sa itinuturing na pinaka-polluted na ilog sa buong mundo.

Matatandaaan, ilang mga pamilya ng mga namatay sa COVID-19 sa kasagsagan ng outbreak noong April at May mula sa north at east India ang inilibing ang kanilang mahal sa buhay sa banal na ilog o inilibing sa riverbanks dahil hindi nila makaya ang gastusin para sa funeral pyres o cremation.